Monday, February 23, 2009

SPONGEBOB SQUAREPANTS






C: Are you ready kids?
K: "Aye Aye Captain"
C: I Can't hear you
K: "AYE AYE CAPTAIN"

C: Ohh...Who lives in a pineapple under the sea?
K: "Spongebob squarepants"

C: Absorbant and yellow and porous is he!

K: "Spongebob Squarepants"
C: If nautical nonsense be something you wish.
K: "Spongebob Squarepants"
C: Then flop on the deck and plop like a fish!

K: Spongebob Squarepants"
C: READY?!

All: Spongebob squarepants
Spongebob squarepants Spongebob squarepants
C: SPONGEBOB SQUAREPANTS!! AH AHH AHH AHAHAHAHAHAHAHHH....



Spongebob Squarepants ay isang magandang cartoon na paborotong paborito ko. Kahit sino kasi bata, matanda, babae o lalaki ay kaya nyang patawnin. Ang cartoon na ito ay sadyang nagbibigay ng kasiyahan sa kahit na sino, hindi lang siya nakakapagpatawa kundi kapupulutan din ito ng aral.

Ang mga tauhan:
  • SpongeBob SquarePants — isang palakaibigan at nakakatawang espongha na mahilig sa paghuli ng mga dikya at paglalaro ng karate. Hanap-buhay niya ang pagpiprito ng Kraby Patty sa kainang Krusty Krab.
  • Patrick Star— ang pinakamatalik na kaibigan ni Spongebob. Medyo di naiintindihan ang mga bagay na nangyayari.
  • Sandy Cheeks — isang squirrel na taga-Texas.
  • Eugene H. Krabs — isang alimango ng may-ari ng Krusty Krab at ang ugali niya ay mukhang-pera.
  • Pearl Krabs — anak ni Ginoong Eugene H. Krabs
  • Squidward Tentacles — kapitbahay ni BobEspongha at Patrick Star, na kahera sa Krusty Krab, at mahilig tumugtog ng klarinet bagaman walang kahusayan dito. Walang masyadong nakakaalam na isa siyang pugita, hindi isang pusit.
  • Gary the Snail — alagang susong hayop ni SpongeBob.
  • Sheldon J. Plankton - kalaban ni Ginoong Krabs. Gagawin niyang lahat para manakaw ang resiping Krabby Patty (Tortang Alimango) ni Ginoong Krabs.
  • Mrs. Puff — guro ni SpongeBob sa pagmamaneho.
  • Mermaid Man at Barnacle Boy — mga matatandang superhero na nag-retiro na pero kinawiwilihan parin sina SpongeBob at Patrick.
  • Larry the Lobster — isang malusog, masigla at malakas na ulang.
  • Perch Perkins - isang mamamahayag sa Bikini Bottom.

Masaya ako kapag nakakapanood ako ng cartoon na ito,pero dahil sa schedule ko sa school ay hindi na ako nakakpanood ng paborito kong cartoon. Marami akong paboritong episode dito, tulad ng may sinabi si Spongebob yung sa "Imagination" kay Squidward. Haha! Idiot Box ang title ng episode na yun.(pakicheck nalng din). Kasama nya rin dun si Patrick. Haha! Nakakatawa talaga! Kasi sa pagbanggit pa lang nya ng "IMAGINATION" with matching rainbow pa,haha! Ang cute! Haha! May episode rin tulad nung tinuturuan siya ni Mrs. Puff na mag-drive. Haha! Grabe,sumasakit ang tiyan ko sa kakatawa!


Mahilig si Spongebob magluto ng Krabby Patty. Sa pagkakaalam ko gusto nyang magkaron ng sariling Krusty Crab tulad ni Mr.Krabs at maging magaling na Chef sa buong Bikini Bottom. Haha!

Minsan nagaaway rin sila ni Patrick,ang kanyang tinuturing na "BESTFRIEND". Tulad ng sa episode dun ng isinama ni Spongebob si Patrick sa Driving School niya. Haha! Kulit kasi ni Patrick kaya naiinis si Spongebob. Nawalan siya ng isang star. Pinaghihirapan niya ang bawat Star na yun. haha! Meron pa yung sa Fry Cook Games. Pero sa bawat pagaaway nila nauuwi pa rin sila sa pagbabati at pagkakasundo.



Oh,di ba! Ganyan ang tunay na magkaibigan! Laging masaya! Kahit na nagaaway,nagbabati naman agad di ba? hay,buhay....

Sayang di ko pa napapanood yung the movie nito. Marami na rin akong na missed na episodes. Sana laging may Spongebob. Para masaya. Marami ring bata ang may gusto sa katangian ni Spongebob, hindi lang pisikal kundi sa ugaling pinapakita niya para sa mga kapwa niya at mga kaibigan.

Sana magkaroon ako ng malaking Spongebob na stuff toy,(hehe,bata?)

I love you SPONGEBOB SQUAREPANTS! Thanks to the creators of this cartoon. Keep it up!



No comments:

Post a Comment