Wednesday, August 19, 2009

SOFTDRINKS: To Drink or Not to Drink?!


Softdrink? Malambot na inumin ba ito? Masarap ba 'to? Anong lasa? Masustansya ba 'to? Nakatkim ka na ba nito? Ano,irerefer mo ba sa akin ito? Hmm... Ano ba talaga kasi yun??

SOFTDRINK - is a drink that does not contain alcohol. Soft drinks are often carbonated and commonly consumed while cold. - Wikipedia

Kung gusto mo alamin ang history nya,iresearch mo nalang. ^^

Masarap ang softdrinks,di ba? Wag mong sabihin hindi ka pa nakakatikim nito?! Hay naku,ewan ko sayo! Anyway,madalas naman itong inumin kahit saan,kahit anong oras. Lalo na pag may mga occassions, at syempre di yan mawawala sa mga bday parties! O diba? Ako madalas ang paginom ko nito,lalo na pagkatapos kumain. O kaya naman nasa malayong lugar ka at uhaw na uhaw ka na. Iba kasi talaga ang nabibigay nitong lasa sa atin at nakakapawi rin ito ng uhaw.

Pero teka? Talaga bang nakakapawi ito ng uhaw? Alam mo ba kung anong meron sa softdrink? May makukuha ka bang sustansya dito?

Ang daming tanong pero umiinom ka pa rin tayo? Alamin nga natin ang mga kasagutan nitong mga tanong nito.

1. Ano bang meron sa softdrink?

Karamihan sa mga sankap nito ay ang mga sumusunod:
a. Cola - ito yung mga extracts na galing sa coca leaf and cola nut. At ito'y hinahaluan ng sugar at water. Ang main active ingredient ng cola nut ay ang mga alkaloids na caffeine at theobromine.

Alam naman natin lahat kung ano ang caffeine, ito yung addictive drug na pwede natin makuha sa coffee,tea at iba pa pero ito ang ginagamit na stimulant. Pero we all know na meron itong bad effects di ba?

Ang Theobromine naman ay isang white crystaline powder na may mapait na lasa. Somehow related to caffeine. pero ito yung drug na nilalagay sa chocolates na kinakain natin na hindi pwede sa mga aso.

b. Sweeteners
Obviously,it is sugar na may fructose corn syrup. Mga pampatamis ika nga. Kaya minsan yung ibang softdrink matamis di ba. Minsan ginagamit din ang mga artificial sweeteners like aspartame na low-calorie sweetener,saccharin as favorites, neotame, acesulfame, at sucralose.

c. Flavors
Eto yung mga acid na nilalagay sa mga softdrink na iniinom natin kaya siya mabula.

Phosphoric acid - ginagamit din ito sa iba pang pagkain like jellies,kam at cheese. Ang acid nito ay mahina lang naman.

Citric Acid - ito yung acid na hinahalo sa bicarbonates para makapagproduce ng carbon dioxide gas. Alam mo ba na ito rin ay ginagamit na anti-oxidant na astringent as skin toner para maprevent ang pagkakaroon ng oily face? Akalain mong pwede natin itong inumin? Ahahaha! :)

Sa mga orange sodas naman, may glyceryl abietate na makikita sa mga cosmetics tulad ng waxy substance ng eyebrow pencils..

d. Preservatives

Sodium benzoate - ginagamit para macontrol ang mga molds,yeasts at antimicrobial things pero di ito ginagamit until its ph is not less than 3.6.. Ginagamit din ito sa mga corrosion inhibitor in automotive anti-freeze products. :)

Sodium citrate - ito yung nilalagay sa ice cream para mas madali siyang tumigas. As a buffering agent, sodium citrate helps maintain pH levels in soft drinks. Ito rin yung sangkap na hinahalo sa sabon..

Potassium sorbate - Sorbic acid.. ginagamit para pigilan ang mga yeasts at fungi...

Ascorbic acid - Vitamin C. Akalain mong meron nito dito? Ahahahaa!

e. Colors - pampakulay
Kaya ung iba parang caramel color ang kulay ay dahil sa burnt sugar. Ang Red 40 ay ginagamit sa maraming products like drinks foods and fabricated materialas. It serves as the coloring agent. Para itong dye(yung nilalagay sa damit).

Ayan,nasagot na ang unang katanungan. Sa susunod na ang iba.. Abangan! ^^